Kamakailan lang ay nagdiwang ng kanyang engradeng debut ang kapamilya teenstar na si Andre Brillantes.

Sa inilabas na video ng starmagic para sa birthday ni Andrea ay nagbigay ng bonggang regalo ang kanyang naging ina sa hit teleserye na Kadenang Ginto na si Dimples Romana.

"Ang regalo ko sayo ay ang aking walang sawang pagmamahal at suporta. At parating na yung refrigerator for your beautiful home," sabi ni Dimples 

Sabi pa ni Dimples na kung darating na ang ref ay itetext lang umano siya para ipadala narin nito ang ilalagay sa loob.

"Wag kang mag-alala, pag dumating diyan, nai-deliver na, i-text mo ako at ipapadala ko pa ang mga ilalagay natin sa loob. 

"Alam na alam ko na kung ano yung mga gusto mong nandyan sa loob ng refrigerator. I love you, Blythe. Happy 18th birthday, my love." 

May greetings rin si Dimples kay Andrea na pinost niya sa kanyang Instragram.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post