Ibinunyag ng award winning actress na si Rita Avila na aksidente silang nagkasakita ng actress na si Iza Calzado sa set ng kapamilya series na Ang Sa Iyo ay Akin.

Sa kanyang Instragram, ay ikinuwento niya ang nangyari.

"Salamat sa lahat ng nabighani sa ASIAA. Lagi talagang wagi ang sampalan sa mga pinoy. ☺️ Naku, may BTS kami ni Iza na nasaktan kami pero tuloy-tuloy acting pa din. (Ibang eksena ito)

D nya alam na nasiko nya ako kasi maliit ako at nasa likod nya.":sabi ni Rita

Dagdag pa ng actress: "Tapos nadulas naman sya at napa upo sa sahig. Eh naka-heels pa ang pobreng bata.

Inakala ni Rita na nawala ang isa niyang ngipin sa nangyaring aksidente. Peru hindi niya sinisisi si Iza sa nangyari

"Pagkatapos ng eksena namin nila Ms. Maricel at Jodi, lumapit ako k Ms. Maricel. Sabi ko, “buo pa ang ipin ko?”. “OO” daw. Nakahinga ako.

"Tapos nagtataka naman si Iza kung bakit may lipstick na pula sa sleeves nya. Saka lang nya nalaman na nasiko nya ako. Takbo siya sa kin para mag-sorry.

"Sabi ko aksidente un at walang dapat ipag-sorry.

"Tinanong ko kung may masakit ba sa kanya sa pagkahulog nya. Sabi nya, “wala po. malaki at malaman ang pwet ko, parang may unan.”

"Yan ang buhay ARTISTA."

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post