Umalma ang komedyante at talent manager na si Ogie Diaz sa kumakalat na balitang nakabuntis umano ang anak ni Kris Aquino na si Joshua Aquino.

Ipinakalat kasi ito ng isang showbiz news channel sa youtube na kung sinasabing ikakasal na si Josh matapos nitong mabuntis ang kanyang girlfriend.

Wala ring binanggit na pangalan ng girlfriend ni Josh sa nasabing balita. Tanging mga larawan lang nina Josh at kanyang yaya ang pinakita sa video.

Nagbigay naman ng paalala si Ogie sa kanyang mga tagasubaybay na maging mapagmatiyag sa mga balitang kumakalat sa internet at siguraduhing may pruweba ang mga ito bago maniwala.



Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post