Nagsalita narin sa wakas ang komedyanteng si Ogie Diaz ukol sa usap-usapang may anak na raw sina Julia Montes at Coco Martin.

Sa kanyang youtube vlog na "Ogie Diaz Showbiz Update" ay pinag-usapan nila ni Mama Loi ang tungkol sa viral na pagpunta nina Coco at Julia sa Boracay kamakailan lang.

Sabi ni Mama Loi: “Kasi diba napapabalita din na may anak sila… bakit hindi nila kasama yung anak nila sa Boracay?” 

Agad na nagreact si Ogie na: “May anak ba?” 

Sabi pa ni Ogie: “Alam mo lage kong sinasabe, kung gusto nila maging pribado ang kanilang buhay, hayaan naten sila… hindi naman para mag maldita tayo na ipilit natin yung espekulasyon, yung kumakalat. Hayaan naten sila… kung wala ehdi wala, kung meron ehdi…” 

“Kung meron at gusto lang nilang itago at gusto nilang maging pribado ang buhay ng kanilang anak if ever na meron, hayaan naten sila. Alam mo in due time, lalabas din naman yan kung meron o wala. Ang importante kung totoong meron silang anak, at least hindi sila ogba…”

“Unawain naten kung wala pa sa panahon… ako, sa totoo lang no, gnerally speaking, ako sumasaludo ako sa mga taong pinaninindigan kung ano yung kanilang ginawa. Sabe nga ng nanay ko, ‘pag ginawa mo, panindigan mo. Pag hindi mo kayang panindigan, wag mong gagawin.’ ” 

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post