Nagsalita narin sa wakas ang dating loveteam partner ni Maris Racal na si Inigo Pascual ukol sa rumored na relasyon nito kay Rico Blanco.

Matatandaan na nagsimula ang rumor na ito matapos batiin ni Maris si Rico sa kanyang birthday at ipost ang nakakakilig nilang duet.

Wala paring anumang pag-amin mula sa kampo nina Rico at Maris ukol sa totoong namamagitan sa kanila.

Sa isang interview ng ABSCBN, ay inilahad ni Inigo na dati naring naiugnay kay Maris na wala raw muna siyang masasabi ngayon dahil hindi pa kinumpirma ng dalawa ang kanilang relasyon peru sinabi rin nitong masaya siya para sa kanila.

Ayon pa sa actor, alam raw niya kung gaano ka crush ni Maris si Rico.

"Nung time na loveteam kami ni Maris, talagang as in pinapakanta sa akin yung mga kanta ni Rico. So even them being friends or the fact na nagka-collab sila dati, support ako ‘dun,” sabi ni Inigo 

Sinabi rin ni Inigo na dapat masaya ang mga tao kung totoong may relasyon sina Rico at Maris.


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post