Usap-usapan ngayon sa social media ang actress na si Dione Monsanto matapos aminin nitong 300 pesos lang ang kanyang ginastos sa kanyang simple peru eleganteng wedding dress na kanyang isinuot sa kasal nila ng kanyang partner na si Ryan Stalder sa Switzerland.

Aniya, sa online shop sa Pilipinas lamang nito nabili ang kaniyang pang-itaas na damit habang regalo naman sa kaniya ang isinuot nitong pang-ibaba.  

“I spent 300 pesos on my wedding dress!” ani Monsanto sa caption. 

“The bottom part of my dress is my Something Old. It was a thoughtful gift from my sister @travelfoodfinds a year ago. The corset top is something I bought from an online shop in the Philippines for less than Php 300 (6 CHF),” paliwanag nito.  

Ayon pa kay Monsato, hindi raw kailangan ng tao ng maraming bagay para sumaya.

“As I’ve gotten older, I realize more and more that things are just things. That I don’t need a lot to be happy. That love & respect from people I love are more important than any material possession,” sabi ni Monsanto na nakilala rin sa kaniyang karakter sa seryeng “Tubig at Langis.” 



Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post