Nagsalita narin sa wakas si Beth Tamayo ukol sa rumored na relasyon nina Bea Alonzo at sa kanyang pamangkin nasi Dominic Roque.

Sa isang interview ng Pilipino Star Ngayon kay Beth ay sinabi nitong happy siya sa kung anuman ang relasyon nila ni Bea at sa kanyang pamangking si Dominic.

"Happy ako for them… For me, that’s the mature way to handle it. I think they’re very confident and happy sa wherever their relationship… kung saan man sila ngayon…” 

“If you’re not admitting anything, you’re not also denying anything. Kung nakita kayong magkasama, eh ‘di kayo magkasama. Kung magkahiwalay ang picture ninyo sa Amanpulo, eh ‘di magkahiwalay picture niyo.” sabi ni Beth 

Pinaaalahan din ni Beth si Dominic sa pakikipagrelasyon kay Bea dahil baka may ibang masasabi ang mga tao dahil big star si Bea.

"Alam mo ‘yun… because Bea is the biggest star. Sabi ko sa kanya baka later on you will get a backlash from people saying that nakikisawsaw ka lang sa kasikatan ni Bea or whatever.

" Yung… you don’t have your own identity and just like riding sa career niya something like that. It’s hard. You might get feedback from other people na hindi maganda, deadmahin mo na lang. You know naman what to do and kung saan kayo masaya…” 


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post