Masayang ibinalita ng anak ni Doris Bigornia na si Nikki Bigornia na naging successful ang operasyon ng batikang ABSCBN news reporter.

Subalit humihingi parin ng dasal si Nikki para sa tuloy-tuloy na recovery ng kanyang ina.

"Maraming salamat po sa lahat ng nagdasal at patuloy na nagdarasal para kay mommy. Natapos na po ang surgery niya nung isang araw at successful po ito. Subalit, patuloy po kaming humihingi ng inyong mga dasal para sa tuluy-tuloy na recovery ni mommy 🙏🏻"

"Naiparating ko na rin po ang inyong mga mensahe at pagmamahal, at siya po ay taos-pusong nagpapasalamat sa inyong lahat ❤️" 

"Ako rin po at ang aming pamilya ay nagpapasalamat sa inyong lahat. Dahil nabigyan niyo po kami ng lakas at pag-asa 🙏🏻 

Mahal na mahal namin kayo 💖" :sabi ni Nikki sa kanyang twitter post

Photo Credits: Nikki Bigornia on Twitter


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post