Emosyonal na ibinahagi ni Marlou Arizala o mas kilala bilang Xander Ford ang tungkol sa paghihirap na dinanas niya ngayon at kanyang pamilya.

Iniisa-isa niya ang mga kailangan niya ngayong wala na siyang pinagkakakitaan.

Ayon kay Xander:

"Sa totoo lang Pinipilit ko kumain sa araw araw kahit puro problema ang iniisip ko dahil isa ako sa libo libong kabataan na maaga nang namulat sa kahirapan dahil ganito naman talaga sa pilipinas e

Una - dami kung binabayara na mga utang ng Mama at papa ko 

Pangalawa - nag babayad ako mg Bahay,Tubig,Koryente, at pang araw araw naming gastusin sa bahay 

Pangatlo - bayarin sa Pag aaral ng mga kapatid at pamangkin ko 

Pang apat - problema sa mga kinakaharap kung Kaso 

Panglima - problema Sa Pag kukunan ng trabaho dahil wala na talaga akong maayos na trabaho.

At syempre yung mga taong hinuhusgahan ako dahil sa itsura ko. 

Madami akong mga bagay na Hindi ko alam paano ko matatapos at hindi ko alam paano ko uumpisahan 

Gusto ko makatulong makaipon kahit konting panahon pa gusto ko matupad mga pangarap ng pamilya ko para sa amin pamilya 

Isa nalang ang need ko yung mag karuon ako ng isang bagay na mag Bibigay ng Income para sa amin gusto ko mag Live stream gusto ko talaga mag work na at makaipon pa

Ps. Sobrang hirap na ng buhay namin ngayun sana kunting awa para sa pamilya ko. 🥰 

Kahit sa konting dasal nalang po at respeto."

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post