Usap-usapan na ngayon sa social ang tsismis na nagsasabing magiging co-host raw ni Willie Revillame ang actress na si Maja Salvador.

Matatandaan na kumakalat sa internet ang diumanoy paglipat ni Maja Salvador sa GMA Network matapos ikansel ang SNL sa TV5.

Sa isang article ng Pang-Masa na isinulat ni Baby E, sinasabi nitong almost done deal na ang paglipat ni Maja sa GMA-7. At may haka-haka rin na magiging co-host si Maja sa Wowowin ni Willie.

Kasunod ito ng imbitahan ni Willie si Mr. M. na magiging direktor sa kanyang program. Sa mga hindi nakaka-alam si Mr.M. ang tatay-tayan ni Maja na dating chairman emeritus of Star Magic.

Anong masasabi niyo sa balitang ito?


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post