Nagreact narin sa wakas ang Wowowin host na si Willie Revillame ukol sa kumakalat ngayon na tsismis na magiging co-host umano niya si Maja Salvador.

Sa pamamagitan ng text message, ay tinanong si Willie ni Philstar Entertainment Columnist Ricky Lo ukol sa nasabing tsismis.

Sabi ni Willie, wala raw katotohanan ang lahat ng ito.

" Hindi totoo. Sino may sabi? Hindi ko alam ‘yan. Baka para mapag-usapan. Sino sumulat?” sabi ni Willie

Nang sinabi ni Ricky Lo na kalat na kalat na umano ito sa social media, sagot ni Willie “Wala. Hindi ko kailangan ng co-host. It’s a talk show pa-minsan-minsan with guest co-host.” 

Tanong na lamang ni Ricky Lo sa kanyang article: "Where does Maja go from here? Definitely not back to ABS-CBN!”

Source: Philstar

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post