Labis na hinangaan ng beteranang entertainment news writer na si Lolit Solis ang galing sa pag-arte ni Paubaya Star Joshua Garcia.

Aniya, younger version raw ito ni John Lloyf Cruz.

"Parang younger version pala ni John Lloyd Cruz si Joshua Garcia, Salve. Simpatiko at mahusay din umarte. Parang mabait din kasi malumanay magsalita."

"Parang mabait din kasi malumanay magsalita. At mukhang professional na artista at gusto ng mga kasama niya dahil hindi pa ako nakarinig ng anuman reklamo tungkol sa kanya sa showbiz. Mukha din talagang mahal na mahal siya ng Kapamilya dahil magaganda ang mga projects niya" 

Kaya rin daw ni Joshua na maging bigstar kahit wala noon si Julia Barretto.

"Palagay ko kahit sino puwede ibigay na partner ni Joshua dahil maganda personalidad niya, at kahit pa nga walang nangyari sa loveteam nila ni Julia Barretto kaya parin ni Joshua Garcia sumikat at maging big star. "

"Tulad din ng lalim ni John Lloyd ang ipinakitang acting ni Joshua Salve kaya palagay ko good path ang tinatahak ni ya. Given the same assignments na ibinibigay nuon kay John Lloyd tiyak na mahahasa ng husto at maabot narin ni Joshua ang kinalalagyan dati ni Lloydie. "

Swerte rin daw ang ABSCBN sa actor.

"Suwerte naman ng Star Cinema at ABS dahil meron silang naging talent na tulad ni Joshua Garcia. We bet na malayo mararating niya at sana nga di tulad ng iba na naunahan ng career fatigue kaya medyo nabalam ang paglaki. "

"Dapat focus muna siya sa lahat ng may kinalaman sa career saka na muna ang iba pang bagay. Very bright ang kanyang future , tuloy tuloy lang at voila, big star na siya. "

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post