Sa isang virtual interview ng Abante News Online na "Abantelliling” sa facebook ay inilahad ni  Claudine Barretto na hindi magandang impluwensiya si Jodi Sta. Maria sa kanyang dating partner na si Raymart Santiago.

 Ayon pa kay Claudine, labis raw na naapektuhan ang mga anak nila ni Raymart ng kumalat ang mga sweet na larawan nina Jodi at dati niyang partner.

"Tinawagan ko si Jodi…. And then tinawagan ko din si Raymart after talking to Jodi. Sinabe ko na ‘alam mo Jodi isa lang ang hiniling ko sainyo, na sabihin niyo saakin para maabisuhan ko yung mga anak ko.” sabi ni Claudine

“Kasi sinabe ko na mangyayare toh. Artista kasi kayo.’ Yung dating girlfriend ni Raymart hindi naman artista so very private. Eh sabe ko, ‘eto yung iniiwasan ko yung may lumabas na pictures na makita ng mga anak mo bago mo sinabe. Bago niyo sinabe saamen.’” dagdag pa nito

“Pero yung anak niya, yun yung nakakainis dun, yung anak niya si Thirdy, inupo nila ni Raymart at inexplain na bagong boyfriend niya ulet. Diba? Parang, ang bastos noh? Diba, nakalimutan yung mga anak ko.” dagdag pa ng actress 

At dito na sinabi ni Claudine na hindi magandang impluwensiya si Jodi kay Raymart.

"Wag mong kakalimutan yung responsibilidad mo Raymart sa mga anak ko. At kasi kitang kita ko na hindi magandang influence si Jodi sakaniya. Because si AC, yung ex-girlfriend ni Raymart, mas karespe respeto, in proper."

Sobrang proper niya. And I’m in disbelief, hindi ko maintindihan pano nagawa ni Jodi lahat yun. Yun yung ano, na hindi manlang nagpasabe, or yung pinabayaan mo yung mga anak ko. Sabe ko sakaniya, ‘now I know that you will never have the best interest of my children in heart.’

“Mas okay siyang tatay nung hindi pa sila eh":Pagayag ni Jodi sa nasabing interview 






Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post