Pumalag ang singer/actress na si Geneva Cruz sa pambabatikos sa kanyang ng ilang fans ni Sarah Geronimo matapos siyang bansagang "Pop Royalty" para sa upcoming show ng ABSCBN na Your Face Sounds Familiar.

Aniya sana ay wag magalit ang mga fans ni Sarah dahil hindi raw niya hiningi na "Pop Royalty" ang itawag sa kanya. Gusto lang umano niya na tawagin sa kanyang pangalan.

“Sa fans ni Sarah G., please don’t be upset with me; I didn’t ask them to give me that title, nagulat din ako na yan ang tawag sakin. I just want to be called by my name, and I only want to perform and not offend anyone,” 

“I just asked the show’s EP [executive producer] from ABS-CBN to change their description of me para walang confusion. Napakahirap kasi for performers and musicians to get a chance to actually be on stage and perform dahil po sa pandemic, that’s why I’m very grateful for this opportunity,” 

"Hindi ko po inaasahan na manalo, ang gusto ko lamang po ay ang mag-enjoy sa pag-transform into my favorite music icons. Everyone is cool, mukhang masaya ito. This is just what the country needs kasi ang daming negative vibrations diba? #Music and #laughter are always good for the soul,”

“Sana suporthan ninyo ako, feeling ko ako yung bagong salpak eh, ang tagal ko din kasing nawala sa Pilipinas. I can’t wait to perform and also cheer for my fellow artists. Sana abangan ninyo ang YFSF!”

Pop Star Royalty ang bansag kay Sarah Geronimo.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post