Nakarating na kay MMDA Assistant Secretary Celine Pialago ang balitang inatake sa puso ang bating ABSCBN reporter na si Doris Bigornia.

Nakatakdang sumailalim si Doris sa isang open heart surgery sa isang ospital sa Muntinlupa.

Sa report ng Pep.ph, ay nakuhan nila ng reaksyon si Pialago ukol sa nangyari kay Doris.

Matatandaan na nagkaroon ng alitan ang dalawa nito lamang mga nakaraang buwan.

Ayon kay Pialago, hindi raw niya hinangad na makaganti sa kanyang kapwa. Ang hiling niya lamang ay ang agarang pagaling ng batikang news reporter at isinama rin niya ito sa kanyang panalangin.

"Bagamat may pagkakaiba ang bawat tao at merong ding hindi pagkakaunawaan, hindi kahit kailanman magiging tama ang maghangad ng ikakasama ng ating kapwa.

"Kaya ni Miss Doris ‘yan, alam kong makaka-recover din siya kaagad.

"See you soonest, Ma’am. Get well soon. Our prayers are with you.": pahayag ni Pialago 

Source: Philippine Entertainment Portal


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post