Di mapigilang magreact ng actress na si Ara Mina ukol sa post ni Lolit Solis na kung saan binatikos nito ang kanyang wedding.

Isang balita raw ang kumakalat na umabot sa 2.8 million ang ring ni Ara at 10k per plate rin ang pagkain sa reception.

"Hindi ko lang nagustuhan iyon sinulat ni Linda Rapadas na 2.8 iyon worth ng ring at 10K per plate ang pagkain sa reception."

Matapos nito at nagbigay agad ng negatibong komento si Lolit.

 “Sana naman inisip ni Ara Mina na para bang over the top naman ang mga ganitong balita,na para bang nakakawala ng romance dahil meron presyo na naka tag. Saka ok lang kundi nabalita nuon na meron ibang babae na involved na puwede umiiyak ngayon , o baka iyon nga ang purpose , ang lalo pang umiyak ang babae na naiwan ? Sana Ara medyo dahan dahan sa mga pasabog, hindi classy iyon may pinag uusapan ang presyo, parang may konting yabang.” 

Basahin dito ang buong post ni Lolit:

Sa comment section, isang netizen ang dumepensa kay Lolit at sinabi nitong: "Oh, c'mon! She is a non-stop working woman. For me, and as a woman view, it's only rightful to make her wedding as the best moment of her life. After all it's her hard earned savings. Best wishes @therealaramina"

Matapos itong makit ni Ara ay agad niyang sinupalpal ang pambabatikos ni Lolit.

"@zziikk66 oh I just saw this. Maraming Salamat po. Natatawa lang ako saan naman sila nakakuha ng details na ganyan ni wala pa ngang nafafinalize and maraming pong nagmamahal samin na mga kaibigan at mga ninanga and ninongs na gusto magsponsor sa wedding namin. May God bless them. Ikakasal na lang tao dami pang ganyan. Haaaay life!"



Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post