Pumalo na sa 3.1 million views ang music video ni Ez Mil na ibinahagi ng Wish 1075 youtube channel na pinamagatang "Panalo".

Pinagpipiyestahan ito ng mga Pilipino na nasa sa iba’t ibang panig ng mundo dahil sa nakakaantig na lyrics nito na nagpapakita at nagpapakilala bilang isang tunay na Pilipino. 

Lalo-lalo na nung kinanta niya ang linyang ito: "Tayo ay Pilipino. Kahit anong kulay ng balat isasapuso. Mapa-Tagalog, Bisaya o Ilocano, walang tatalo sa bagsik ng ating dugo. Isigaw ng malakas ang ating panalo. Huwag nang pag-usapan ang negatibong pangyayari saan mang panig ka nasa mundo, kinabukasan na natin ‘to. Panalo!”

Si Ez Miz ay anak ni Paul Sapiera, lead vocalist ng bandang Rockstar na nagpasikat sa mga awiting Mahal Pa Rin Kita, Parting Time at marami pang iba noong 1990s. 

Nariti ang video:

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post