Nagwalk-out ang Its Showtime host na si Vice Ganda sa paghouse raid niya sa bahay ng singer na si Angeline Quinto.

May laman kasing ahas ang bag ni Angeline Quinto ng buksan niya ito.

Sabi ni Angeline:“Sabi ko sa ‘yo ‘wag mong buksan. Ang kulit nito. Oh, ano?” 

Ani Vice: “Nakakaloka. May ahas sa bag.” 

Sagot naman ni Angeline:“Nangingialam ka kasi ng bag. Bakit nakikialam ka?”  

Samantala napatakbo rin si Vice nang makita ang isang Chucky doll na sumalubong sa kanya pagpasok niya ng banyo sa loob ng kwarto ni Angge. 

Sabi ni Angeline: “Bakit? Regalo lang sa akin ang manika,” 

Sabi naman ni Vice: “Nakakaloka ‘yung manika. Nawalan ako ng boses. Ayoko na. Sabi ko na nga mapi-playtime ako dai,” 

Sabi pa ni Vice: “Stress ako dai ano ba ‘yun? Playtime ha. Pati kili-kili ko tuloy nagpawis. Ayoko talaga ng mga ganu’ng manika at tsaka mga ahas-ahas na ganyan. Na-i-stress ako talaga. Na-ishaprank tayo,”  

Narito ang video:


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post