Nanghihinayang si Regine Velasquez matapos niyang tanggihan ang offer noon ni Coco Martin na mag-guest sa Ang Probinsyano.

Aniya, kinausap raw siya ni Coco para sa nasabing guesting peru kailangan niya itong tanggihan dahil marami siyang ganap sa mga panahong iyon.

“Yes, may offer dati sa ‘Probinsyano’. Nakakatuwa nga si Coco kasi may dala na talaga siyang storyline para sa akin. At ang ganda ng kuwento na ginawa nila. 

“That was last year or two years ago pa, e, ang daming ganap that time, meron kami ni Vice Ganda (concert), then nagkaroon din ng concert with Sarah (Geronimo) and Ate Sharon (Cuneta). So, wala talagang schedule. 

“Sayang nga, e, but who knows baka pwede pa rin naman dahil hindi pa rin natatapos ang Probinsyano, di ba?” Sabi ni Regine sa entertainment media sa naganap na virtual mediacon para sa kanyang digital Valentine concert na “Freedom.” 

Source: Bandera




Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post