Nawala na raw ang angas ng tinaguriang bad boy ng Philippine Showbiz na si Baron Geisler simula ng siya ay naging ama.

Ito ang ibinahagi ng actor sa isang presscon ng Viva Artist Agency nito lamang Biyernes July 15.

Sabi ni Baron: "Nag-soften yung character ko. Hindi na ako maangas.

"Siguro yung angas na ‘yan, ilalabas ko ‘yan kapag kailangan ng pamilya.

"Ilalabas ko sa pagbanat ng buto at, siyempre, dahil may anak at asawa na ako, ayoko na ng gulo.

"As much as possible, kung may manghahamon sa akin diyan, e, tatakbo na lang ako kasi ayaw natin ng kaaway, lahat kaibigan natin."



Dahil raw ito sa pagbalik loob niya sa panginoon.

"I want to give this back to God. God is so good kahit ang dami kong mga pangako na napako.

"Pero I always pray kasi na kapag talagang wala na ako sa industriya, parang ang feeling ko wala nang kukuha sa akin, I always speak to God na parang, 'Lord, please give me an opening. Please, ust one call, I just need one call to start again.'

"And He hears my prayers. And kung may magsarado man na pintuan, magbubukas naman Siya ng ilan pang mga windows, opportunities."

Sa ngayon ay nasa cebu na si Baron dahil naroroon ang kanyang asawa at anak. Nagtayo narin ng isang negosyo si Baron sa Cebu at pumupunta lamang siya sa Maynila kung may Pelikula at TV Guesting na gagawin.






Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post