Nagreact na ang kapamilya star na si James Reid matapos magviral ang isang video kung saan ginawan siya ng fan art ng isang netizen.

Sa isang instagram, ibinahagi Hoopjunjie ang tiktok video ng isang netizen na si  Jhye Crelle Dalguntas na gumawa ng nasabing fan-art na may "No Erase" na background music.

"Wait for the finished drawing 🤧😅" ayon sa caption ng kanyang post 

Makikita sa video na kino-combine ni Dalguntas ang kanyang drawing, ang hairstyle ay kay James Reid at ang mukha naman ay sa Los Angeles Lakers star na si Lebron James.


Matapos itong makita ni James Reid ay agad itong nagreact at sinabing "Why" kasabay ng isang rolling in the floor laugh na emoje sa kanyang Instragram Stories.

Masaya naman si Dalguntas na napansin ito ni James dahil 1st time raw niyang manotice ng artista.


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post