Ibinunyag ni Lolit Solis na papasok raw sa Pulitika si Arjo Atayde at tatakbok bilang congressman sa 5th district sa QC.

"Magugulo ako Salve pag natuloy iyon mga balita na papasok sa pulitika si Arjo Atayde. Kasi ang balita sa 5th district siya baka tumakbong congressman , eh friend ko si Sylvia Sanchez pero siyempre kay PM Vargas ako na kapatid ni Alfred."

Ayon pa kay Lolit, sa kapatid raw siya ni Alfred Vargas susuporta at hindi kay Arjo.

"Kasalukuyan councilor ng QC si PM, batang kapatid ni Alfred na siya ngayon naka upo as congressman. Kung maglalaban si Arjo at PM, kay PM ang suporta ng buong household ko dahil nakita ko ang competence niya as councilor, meron na siyang experience at talagang dedicated sa kanyang trabaho. "

Dagdagp pa ni Lolit: "Sana sa ibang distrito na lang si Arjo para hindi sila maglaban. I think they are both deserving, pero nauna na ang pledge of support ko kay PM Vargas. Exciting fight kung sakali, may the best man win , go go. Year 2022, election year. #classiclolita #takeitperminutemeganun #73naako"

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post