Emosyonal ang Ex-PBB housemate na si Jai Agapan na inilahad na 3 days umano siyang na comatose nitong lamang pasko.

Sa kanyang latest vlog ay idenitalye niya ang nangyari.

"I don't know why baka sa piercings, na-infected pala siya. ... Actually grabe 'yung nangyari sa akin,":sabi ni Jai

"(December) 27 ako nag-wake up daw. Hindi ko alam na NGT lang 'yung food ko. Tapos lumbar tap ako, kasi parang akala nila meningitis, parang na-tetanus kasi ako, infected, sepsis, ang daming sabi sa akin ng doktor ko. Buti na lang mabait ang doctor namin at saka magaling,":dagdag pa ni Jai

Nagpapasalamat naman si Jai sa kanyang pamilya na nag-alaga sa kanya 

"Parang naging support system ko sila. Honestly parang very serious matter talaga 'yung sa amin, naging (eye-opener) sa aming lahat na mag-take care talaga sa heath. Kasi you know life is a blessing," sabi niya 

"Grabe hindi ko ito makakayanan. Almost, half-dead na ako sabi ng sister ko and I was so scared kasi parang hindi ko kaya kasi I know I have a purpose pa. 'Yung na-experience ko ngayon medyo masakit pa sa akin kasi two weeks pa, pero recovering na ako, healing na ako. Masakit pa talaga likod ko, lumbar tap, and I have bruises lahat ng injections sa akin. It's basically very painful this one (right arm) kasi parang wala na talaga silang makuhaan sa akin na blood and everything," dagdag pa ng dating pbb housemate 

Narito ang buong video:








Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post