Kasama ang kanyang girlfriend na si Jana Roxas, ay umuwi si Ejay Falcon sa kanyang hometown sa Bacawan Pola, Oriental Mindora nito lamang December 29 para doon salubungin ang bagong taon.

Taonan na itong panata ni Ejay na umuwi sa kanilang probinsya para makasama, makapagpasaya at makapagbigay ng regalo sa kanyang pamilya at mga kababayan.

“Parang panata ko na po kasi ito simula nung nag-PBB (Pinoy Big Brother) at ayokong mawala ito o mahinto kahit pa anumang pagsubok ang dumating. Nakakatuwa dahil nakapagbigay din po ako sa isa pang barangay na malapit sa amin—sa Barangay Buhay na Tubig.

“Medyo malungkot lang po dahil yung inaabangan ng mga kabataan na sportsfest, yung basketball league taun-taon ay hindi namin nagawa. Pero sana ngayong 2021 bumalik na sa normal ang lahat at magawa na namin yon.

“Ang sarap sa pakiramdam na nakikita ko yung mga bata at higit sa lahat yung ngiti nila at saya ng mga senior citizens dahil kahit na papaano, sa maliit na pamamaraan ay napasaya namin po sila": kwento ni Ejay sa Push

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post