Suportado ni Senator Bong Revilla ang franchise renewal ng ABSCBN kahit raw may sama ng loob sa kapamilya network.

“From the very beginning naman, kahit na may sama ako ng loob sa kanila, supportive ako sa ABS-CBN franchise,”ayon kay Bong

“At hanggang ngayon, iyon pa rin ang stand ko—I will support the renewal of the franchise of ABS-CBN,” :Dagdag pa ng senador

Nilinaw naman ng Senador na sa News and Current Affairs lang umano siya may sama ng loob peru hindi sa Entertainment Department ng kapamilya network.

At nang tanungin sa posibilidad na marenew ang prankisa ng ABSCBN: “It should emanate sa Lower House. And then, ita-tackle namin pag sumampa sa Senado.”

“Isa ako sa nag-file niyan, kumbaga, iyong support sa renewal. Sinabi ko ‘yon, paninindigan ko. Ganun ako, e. Kapag nakapagbitaw na ako ng salita, paninindigan ko ‘yon. Kung sino man ang sasama ang loob, e, nasabi ko na ‘yon,”

Source: Newspaper.ph





Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post