Dinepensahan ng kapamilya actress na si Angel Locsin ang komedyanteng si Vice Ganda sa iringan nila ni Harry Roque.

Nag-ugat ang pagparinigan nina Vice at Roque dahil sa bakuna ng Covid-19.

Parinig ni Vice kay Roque: “Sa sabong panlaba nga choosy tayo e sa bakuna pa kaya. Ano 'to basta may maisaksak lang?!"

Makalipas lang ang ilang araw ay nagparinig rin si Roque sa komedyante: "

“Alam niyo po, mali naman na ikukumpara 'yong bakuna sa sabon na panlaba. Eh kung hindi naman natin pagtitiwalaan ang mga experts na tatlong batches ng experts pa ang magsasabing pwede nating gamitin 'yan at magiging basehan para mag-issue ng EUA. Eh ano ang pagkakatiwalaan? Siguro po hindi ang mga komedyante," 

Posted by: News5

Samanatala sa latest episode naman ng Its Showtime ay tila pinaparinggan na naman ni Vice si Roque : "Ako, di ako clown. I’m a comedian. At may kilala akong clown. I’m a comedian, you are the clown,” 
Posted by: Philippine Star

Matapos makabalita si Angel sa alitan ng kanyang kaibigan at kay Roque ay agad niyang pinagtanggol si Vice sa pagpost sa kanyang IG Stories.
 
Sabi ni Angel: "Ayos yung baklang komedyanteng noh? pinaglaban ang tama at may malasakit sa tao"
Images courtesy of Instagram: therealangellocsin






Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post