Ibinunyag ni Richard Gutierrez ang totoong ugali ni Coco Martin sa kanilang taping sa FPJ’S Ang Probinsyano.
[ads id="ads1"]
Ayon kay Richard, bilib umano siya sa galing ni Coco bilang actor/director.

"Bilib ako sa energy niya kasi siya rin ang nagdidirek ng mga eksena, at the same time ay alam niya ang mga lines ng mga tao pati blocking. So, for me nabilib ako sa kanya doon. Grabe yung mental focus niya,” ayon ni Richard.

“Hindi ko makakalimutan yung sinabi sa akin ni Coco na dito sa ‘Ang Probinsiyano’ ay teamwork tayo. Kaya nagwo-work ang ‘Probinsiyano’ kasi teamwork and story-based talaga lahat. Kumbaga, naka-focus sa story, hindi sa isang tao lang o sa isang character lang. Na-appreciate ko yun kay Coco na winelcome niya ako ng ganoon,” dagdag pa ni Richard

Inalagaan din daw ni Coco ang karakter ni Richard sa Ang Probinsyano.

“Nung first day namin, dun pa lang in-establish na niya yung magiging parang rapport namin kasi as a director, ramdam ko talaga na pinapaganda niya yung mga eksena. Yung mga eksena ko nararamdaman ko na inaalagaan niya. Kumbaga ang daming anggulo, ang daming shots, tapos ayaw niya ng mga eksena na parang pwede na,”sabi ni Richard

Source: Kami

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post