Hindi na nagdalawang isip na sumagot si Seth Fedelin tungkol sa relasyon nila ni Andrea Brillantes.

Ayon kay Seth sobrang swerte niya nung nalaman niyang si Andrea ang kanyang ka-love team sa Kadenang Ginto.

Kaming dalawa naman po ni Andrea, masaya po ako na siya po ‘yung katrabaho ko. Kumbaga parang thankful ako na binigyan ako ng ganitong opportunity. Tapos nakakakaba din kasi siya, Andrea na,” sabi ni Seth

Sa mga fans na nagtatanong tungkol sa kanila sabi lang ni Seth na special sa ksnya si Andrea.


“Ang sagot ko po diyan is si Andrea po mahalaga po sa akin. Kumbaga kaibigan ko po. Special sa akin si Andrea. Kumbaga, gusto ko pa siya kilalanin. Gusto ko pang ‘sino ba ‘to?’ ‘ano pang mga ano nito?’”  sabi ni Seth

Hindi rin nagdeny si seth ng tanungin kung may crush siya kay Andrea.

Siyempre naman po kahit sino naman pong ka-edad ko. Kahit mga kaklase ko, crush siya eh. Kaya humahanga ako sa kanya kasi siyempre sa ganda niya, sa galing niya sa trabaho niya,” sabi ni Seth.

Ayon naman kay Andrea hindi siya naniniwala na may crush sa kanya si Seth.

Nung una hindi ako naniniwala eh. Kasi nung una, nagkita kami tahimik siya. Tapos hiyang-hiya siya. Kaya di ako naniniwala nung una nung sinabi niya. Sabi ko ‘Weh di nga?’ ganun ganun lang,” sabi ni Andrea.

Matapang ding sinagot ni Andrea ang tanong na payag ba siyang maging boyfriend niya si Seth.

Siyempre ngayon mas kinikilala ko pa si Seth. Mas kinikilala pa po namin ang isa’t-isa. At gusto ko pa pong mas makatrabaho siya ng mas matagal. Kaya ayoko po muna madaliin ang mga bagay."  Ayon kay Andrea

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post