Nagbitiw ng nakakatuwang hirit ang “It’s Showtime” host na si Karylle nang siya at ang mister niyang si Yael Yuzon ng Spongecola ay sumalang sa “Showtime Online U” kamakailan.
$ads={1}
Sa episode noong Martes, Hulyo 22, ibinahagi ni Karylle ang kanyang saya sa dami ng gumagamit ng sikat na kanta ng banda na “Kay Tagal Kitang Hinihintay” bilang background music sa kanilang TikTok videos.
“Natuwa kami na do'n sa TikTok, ang daming gumagamit ng line na 'nagkita rin ang ating landas.' Pero 'pag nakita na naman nila ang ex, ba't ba ang hilig n'yo sa mga ex-ex na 'yan?” biro ni Karylle, sabay tawa.
Dagdag pa niya, minsan daw nakakatawa ang mga video scenarios na:
$ads={2}
“Kasi minsan—hindi ko alam kung joke-joke—'yong pari nakita mo 'yong ex mo pero ikaw [magkakasal] sa kanila. [...] Mga gano'n 'yong mga atake nila.”
Samantala, nagbigay din ng insight si Yael, vocalist ng Spongecola, tungkol sa pagiging maliit ng mundo, lalo na sa Pilipinas.
“I guess 'yong mga kuwento natin magwe-weave talaga ta's mag-iintersect at magre-reintersect pa over and over again,” ani Yael.
Idinagdag pa niya na mainam kung maayos ang relasyon sa ex para hindi awkward kapag nagkita muli:
“Kaya maganda pagka may ex ka dapat maganda 'yong relationship n'yo as much as possible para hindi awkward.”
Ang natural at kwelang palitan ng mag-asawa sa show ay muling nagpakita ng kanilang chemistry at pagiging relatable sa kanilang fans.