Ibinahagi ni Awra Briguela ang kanyang bagong milestone na talaga namang ikinatuwa ng kanyang mga fans at followers.
$ads={2}
Principal’s Choice Award
Sa isang Instagram post, makikitang hawak ni Awra ang kanyang certificate kasama ang dalawang school officials. Caption niya:
“Appreciated, recognized, and super thankful. Your girl just got the Principal's Choice Award! Thank you to our principal, Sir Venturina and Assistant Principal, Ma'am Almeyda, for this special recognition. I'm truly honored and grateful for your trust and support. This means so much to me!”
Balik Eskwela Journey
Matatandaang noong October 2024 ay inanunsyo ni Awra ang kanyang pagbabalik-eskwela, suot ang University of the East (UE) uniform na umani ng suporta mula sa kanyang fans at kapwa celebrities. Patunay lamang ito na kahit abala sa showbiz, mahalaga pa rin kay Awra ang edukasyon.
Marami sa kanyang followers ang nagpaabot ng pagbati at paghanga sa kanyang dedikasyon sa pag-aaral at sa patuloy niyang pagsusumikap sa kabila ng kanyang mga pinagdaanan kamakailan.