May matinding banat si Cristy Fermin laban kay Raquel Pempengco, ina ng singer-songwriter na si Jake Zyrus (dating Charice), sa pinakabagong episode ng kanyang radio show na "Cristy Ferminute" nitong Martes, Hunyo 24, 2025.
$ads={1}
Isyu sa mga "revealing" selfies
Sa naturang episode, diretsahang pinuna ni Cristy ang mga revealing na selfies ni Raquel sa social media, partikular sa Facebook, kung saan makikitang naka-pink outfit ito at kapansin-pansin ang cleavage at pababa ang buhok.
“Gusto niyang mapag-usapan. Aling Raquel, mabibigo ka. Kung 'yong anak mo nga, nagmarka na… hindi na napag-uusapan, ikaw pa kaya? Aling Raquel naman, ilagay n’yo naman sa ayos 'yang mga ginagawa n’yo,” ani Cristy.
Romel Chika at Cristy, sabay na bumanat
Hindi rin nagpahuli ang co-host ni Cristy na si Romel Chika, na sinabing:
“Panay pa-cleavage talaga siya, Nay. Laban, Aling Raquel!”
Sumabay naman si Cristy sa mapanuyang pahayag:
“Gusto niya sigurong makipagkompetensya kay Kathryn Bernardo.”
Sang-ayon ka ba sa naging pahayag ni Cristy Fermin laban kay Raquel Pempengco? O may kalayaan si Raquel na i-express ang sarili online?
I-comment ang opinyon mo sa ibaba!
Huwag kalimutang i-LIKE at i-SHARE ang balitang ito kung updated ka rin sa latest sa showbiz!