Kasambahay na nanalo ng 4.5 million sa lotto, naglaho ng parang bula ang napanalunang paprempyo

 

Photo Courtesy: GMA Public Affairs/Youtube

Isang maswerteng kasambahay ang naging instant milyonaryo matapos siyang manalo ng 4.5 million sa lotto. Mula sa pagiging kasambahay patungo sa isang marangyang buhay.

$ads={1}

December taong 2005 ay iningganyo umano si Teresita na tumaya ng lotto ng kanyang amo, at doon na nag-umpisang magbago ang kanyang buhay matapos tumama ang kombinasyon ng numero na kanyang tinayaan.

Nakabili si Teresita ng bahay, sasakyan na ginawang pampasada, nakapagtravel rin sa ibat-ibang lugar sa Pilipinas at sa ibang bansa.

$ads={2}

Ngunit ang kanyang napanalunan ay hindi napalago ni Teresita, yung iba raw kasi niyang pera ay naibigay niya sa mga tao na humihingi ng balato at ang kanilang sasakyan din ay naibenta dahil nagkasakit ang kanyang asawa.

Kaya mula sa marangyang buhay, ay balik na ulit si Teresita sa pagbebenta ng bagoong. Ngunit sa kabila ng kanyang pinagdaanan ay nagpasalamat parin siya sa swerte na dumating sa kanyang buhay. At tumataya parin siya ngayon sa lotto.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post

Contact Form