Video kung saan kumasa ang mga Its Showtime host sa "tapik-acting workshop" ni Ogie Diaz viral

 

Photos: Its Showtime/Youtube

Mabilis na nagviral sa social media ang video na kung saan kumasa ang ilang "Its Showtime" host sa trending ngayon na tapik-acting workshop ng Talent Manager na si Ogie Diaz.    

$ads={1}

Sa video na ibinahagi ng isang X user na  "@111_movwmo" ay makikita ang naturang Talent Manager na tinapik ang braso ng mga Its Showtime host para deliver ang linyang "Hayop ka, may araw ka rin, mabubulok ka sa impyerno."

Una niyang tinapik si Jackie Gonzaga, sunod naman si Anne Curtis na siyang sinabihan ni Ogie na "Very Good". Sinundan ito ni Teddy Corpuz,  Karylle, Kim Chiu, Ogie Alcasid, at Vhong Navarro.

Ngunit ang nakakatawa ay nang kay Ryan Bang na ang turn dahil hindi ito maayos na nasabi ni Ryan. Sinabi kasi niya na:  "Walanghiya ka, may araw ka rin, mabubulok ka rin...sa impyerno." 

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post

Contact Form