Video ng isang proud na amang napagtapos ang anak sa kolehiyo kinaantigan ng maraming netizens

Maraming netizens ang naantig sa amang magsasaka na napagtapos ang anak sa kolehiyo.



Sa video na ibinahagi ni ng Brigada News FM 103.1 Brigada News FM - Naga City na kuha ni Councilor Jay Najito ay makikita na kasama ng isang anak ma gumraduate ang kanyang amang magsasaka sa entablado sa graduation. 


Ang naturang anak ay si Vilma Talibukas Abwatan mula Baco Community College, Oriental Mindoro na nakatapos ng kursong Bachelor of Technical-Vocational Teacher Education. 

Kapansin-pansin sa video na tila nahihiya si Tatay ngunit makikita sa itsura nito na sobrang proud siyang napagtapos niya ang kanyang anak. 


Tanging ikinabubuhay umano nila ang pagtatanim ng kamote at iba pa sa bukirin ngunit sa kabila nito ay nairaos niyang mapagtapos ang kanyang anak sa kolehiyo. 


Kaya bilang ganti, ay nagsumikap si Vilma para makapagtapos at para narin maging ganap na guro.


Panoorin dito ang video:

LOOK‼️ GRADUATE na si Vilma Talibukas Abwatan sa kursong Bachelor of Technical-Vocational Teacher Education sa Baco...

Posted by 103.1 Brigada News FM - Naga City on Saturday, July 1, 2023
Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Philtabloid at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na Jane: Unofficial.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post

Contact Form