Vhong Navarro di mapigilang maging emosyonal matapos ibasura ng korte ang kasong isinampa ni Cornejo

Talagang di mapigilang maging emosyonal ni Vhong Navarro sa isang episode sa It's Showtime matapos ibasura ng korte ang kasong isinampa ni Deniece Cornejo laban sa kanya.

Vhong Navarro di mapigilang maging emosyonal matapos ibasura ng korte ang kasong isinampa ni Cornejo

Si Vhong Navarro na may tunay na pangalan na Ferdinand Hipolito Navarro ay isang sikat na actor, model, dancer at host dito sa Pilipinas. Siya ay regular host ng noontime variety show ng Its Showtime. Siya rin ay isa sa mga miyembro ng sikat na dance group na streetboys kung saan kasama niya ang isa sa host ng Its Showtime na si Jhong Hilario. 

Sa isang episode ng Its Showtime, ay naging emosyonal si Vhong Navarro habang pinasalamatan ang mga taong walang tigil na sumuporta sa kanya at sa mga tumulong para sa kanyang kaso. Ibinasura na kasi ng korte ang mga kasong isinampa ni Deniece Cornejo laban sa Its Showtime host.

"Alam mo, dasal ako nang dasal, every day, every night, na hopefully eh, makuha ko na yung minimithi ko, na matapos na tong pinagdadaaanan ko kasi may mga panahon na akala ko, nawalan ako ng pag-asa eh, nawalan ako ng hope nung nasa loob ako. Kaya hindi ako tumitigil sa pagdadasal" sabi ni Vhong 

"Kaya eto na po, dininig na po ng Supreme Court yung dasal natin, at nagkakaroon na po ng maganda yung ginawa nilang pagresolba dun sa kaso po kaya maraming-maraming salamat sa Supreme Court, maraming maraming salamat sa aking legal team na andyan, hindi ako pinabayaan....of course, ABS-CBN dahil hindi ako iniwan, binigyan ako ng trabaho, welcome ako dito sa Showtime..." dagdag pa niya 

Pwede mong panoorin dito ang video:

"Naniniwala po ulit ako na may justice system sa Pilipinas." Isang maluhang pasasalamat ang inihayag ni Vhong Navarro...

Posted by ABS-CBN News on Monday, 13 March 2023
Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Philtabloid at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post

Contact Form