Raul Dillo nagbigay na ng update sa natanggap niyang offer mula kay Coco Martin

Nagbigay na nang update si Raul Dillo sa natanggap niyang offer mula kay Coco Martin.

Coco Martin at Raul Dillo

Matatandaan na nagviral kamakailan ang panawagan ni Raul, kay Coco Martin na sana ay matulungan siya na makabalik sa pag-arte.

Sa mga hindi nakaka-alam si Raul ay laging gumaganap bilang "Kapre" sa ilang mga pelikula. Siya ay may taas na 7'3". Ibinahagi ng actor kamakailan lang na medyo hirap ang kanyang buhay sa ngayon kaya siya ay nanawagan ng tulong kay Coco.

Sa isang panayam, ibinahagi ni Raul na nakatanggap siya ng tawag mula sa staff ng Batang Quiapo. Sabi ni Raul ay pinaplantsa na raw ang kanyang magiging role at nag-aantay nalang daw siya ng confirmation.

“Sabi nila ay pinaplantsa lamang po ang role ninyo. Inaabangan ko nalang po at inaantay ‘yung kanilang confirmation,” sey ni Raul 

Samantala nagpapasalamat din si Raul sa mga netizens dahil nagviral ang kanyang panawagan at nakarating ito agad kay Coco Martin. Nanawagan din siya na suportahan ang show ni Coco dahil sa magandang layunin nito na matulungan ang mga dating artista na gustong bumalik sa pag-arte.

Narito ang buong interview:

Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Philtabloid at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post

Contact Form