Ogie Diaz hinamon ang CEO ng Careless na magpakita ng resibo kung totoong inimbitahan si Liza sa na mag-audition sa Spiderman

Matapang na sinagot ni Ogie Diaz ang naging pahayag kamakailan lang ng Careless CEO na si Jeffrey Oh.

Ogie Diaz hinamon ang CEO ng Careless na magpakita ng resibo kung totoong inimbitahan si Liza sa Spiderman 

Sinabi kasi kamakailan lang ni Jeffrey na hindi umano nakapag-audition si Liza Soberano para sa role na Mary Jane sa sikat na Marvel Fiml naSpider-Man: Homecoming dahil sa kontrata umano nito noon sa ABS-CBN.

"They reached out to her to audition [for the role of] Mary Jane, one of the most iconic characters. And she was not allowed because she had to do the same thing she was always doing,” sabi ni Jeffrey Oh sa isang panayam 

Kaya naman sa kanyang vlog ay pinasinungalingan ni Ogie ang mga sinabi ni Jeffrey at hinamon niya rin ito ma maglabas ng resibo.

"Mr. Jeffrey you might want to release the receipt or the proof that Liza received an invitation from Marvel to audition for the role of Mary Jane, dahil ako bilang former manager ni Liza at ang Star Magic at ABS-CBN as far as we know walang imbitasyon sa Marvel at yan ay sinegundahan ni Liza. Hindi ko alam kung saan nanggagaling si Mr. Jeffrey, kaya nga hinihingian ko ng resibo.. kung may resibo e para makapag sorry kami kay Liza." sabi ni Ogie 

"Sino ba naman ang ayaw? Lead yun ano at Hollywood movie iyon na pangarap ni Liza pero wala nga pong imbitasyon, alangan namang mang gatecrash ka sa audition kahit wala namang ganun (imbitasyon)." dagdag niya

"Bakit naman hindi namin i-a-allow yung bata (Liza), although that time marami talagang ginagawa si Liza kasi may pangalanan na nun si Liza, popular na nun si Liza, alangan namang nakatanghod lang yan sa bahay at naghihintay lang sya kung meron syang audition sa Hollywood diba!."sey pa ng talent manager

"Sana nag-uusap sina Liza at bago niyang management or kinausap muna ni Jeffrey Oh si Liza kung anong pakakawalan na statement, dahil tuloy sa statement na yan eh binash tuloy nang binash si Liza. Pinag-mumukha mong ilusyunada si Liza dyusko naman hindi naman starlet si Liza. Sikat pa rin si Liza so bakit kailangang dumaan sa ganitong ka-cheapan.. di natin alam baka strategy ito ng Careless para lumikha ng ingay, if that is the case aba e bongga."dagdag pa ni Ogie

"Mr Jeffrey kinukwestiyon mo yung 10years naming pag mamanage kay Liza, mas nakakahiya naman siguro kung sa loob ng 10 years na yan e wala namang nangyari kay Liza, hindi naman siya sumikat o hindi sya naging successful. After all di niyo rin naman kukunin si Liza kung hindi rin naman siya sikat, kung nanatili siyang starlet sa loob ng sampung taon diba?."sabi pa nito 

"You cannot erase the fact that ABS-CBN, Star Magic and Ogie Diaz were part of Liza Soberano's success, popularity you are enjoying. I know you can take good care of her as much as we did."dagdag pa niya



Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Philtabloid at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post

Contact Form