Liza Soberano inakusahang nagsisinungaling umano si Ogie Diaz sa mga sinasabi nito laban sa kanya

Inakusahan ni Liza Soberano ang kanya dating manager na si Ogie Diaz na umanoy nagsisinungaling ito sa mga sinasabi nito laban sa kanya.

Liza Soberano inakusahang nagsisinungaling si Ogie Diaz ng mga sinasabi laban sa kanya 

Kamakailan lang ay naging guest si Liza Soberano sa show ni Boy Abunda na Fast Talk sa GMA Network. Sa naturang show ay naglabas ng saloobin si Liza laban sa dati niyang manager na si Ogie Diaz. Inilahad ni Liza na nagtampo raw siya sa kanyang dating manager.

 “Nagtatampo po ako sa kanya kasi even a few weeks ago before ko nirelease yung vlog ko, actually blinack out ko yung social media ko at nag message pa po siya saakin na “Nak may tumutulong na ba sayo to get your social media account back?” Kasi akala niya na hack ako. So we were ok." sabi ni Liza 

Matapos nito ay inilahad ng actress na may mga sinasabi umano si Ogie na hindi totoo laban sa kanya.

“So I don’t understand why he is choosing to fight me. It feels like he is trying to fight me or trying to ruin me when I never said a single bad thing about him. Because he is saying so many things that are untrue."Sabi ni Liza

"Like for the past 2 years hindi siya kumukuha ng commission. That just make me sound even more ungrateful to the people na hindi naman nakaka alam ng anong nangyayari sa loob. He is calling me ungrateful when he knows very well how grateful I was to ABS-CBN. So why is he trying to say things to might people turn against me?"dagdag pa niya

Ayon kay Liza sana ay kinausap raw muna siya ni Ogie kung nasaktan ito sa mga sinasabi niya.

"Sana kinausap niya muna ako cause before naman when we would have problems we would talk it out. Kung na hurt siya sa mga sinabi ko sana sinabi niya muna saakin personally instead of treating me like everyone else in the industry that he talks about in his channels. He should have talked to me kasi parang wala naman kaming pinagsamahan. Parang hindi niya ako anak kahit nak yung tawag niya sa akin" sabi ni Liza

Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Philtabloid at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post

Contact Form