Anne Curtis tinukso ang ina sa lovelife nito nang dumalaw ito sa Its Showtime

Tinukso ni Anne Curtis ang kanyang ina na si Carmen sa love life nito nang bumisita ito sa It's Showtime kamakailan lang.

Anne Curtis/ Carmen Ojales kasama ang partner nito ng dumalaw sa Its Showtime 

Sa opening ng Its Showtime nito lamang March 17 2023, ay masayang nagkwento si Anne tungkol sa kahalagan ng bonding ng pamilya.

Ibinida ni Anne ang pagbisita ng kanyang inang si Carmen sa naturang show at binati niya ito. Binati rin ng mga kasamang host ang ina ni Anne. Pina-sample pa nila ito at game na game naman na sumayaw ang ina ni Anne ng sikat na kanta ni Vhong Navarro na "Pamela".

Matapos nito ay tinukso na ni Anne ang kanyang ina tungkol sa pagiging blooming. Ayon kay Anne blooming raw ang kanyang ina dahil sa lovelife nito. Maging ang kasamahan nitong mga host ay tinukso narin ang ina ni Anne.

"Blooming si Mama ngayon," hirit ni Anne.

"Blooming kasi si Mama ngayon, may love life," muling panunukso ni Anne sa kanyang 

Hindi man ipikilala ni Carmen kung sino ang jowa nito ngunit kapansin-pansin naman ang lalaking katabi niya na naka-shades at naka-striped long-sleeves.

Ang naturang lalaki ay ang laging kasama niya sa kanyang tiktok na ipinakilala niya na kanyang boyfriend. Base sa report ng pep.ph ang boyfriend ni Carmen ay 40 anyos samantalang siya naman ay nasa 60s. 

Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Philtabloid at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post

Contact Form