Mabilis na nagviral ngayon sa social media ang video ng mga TV Patrol anchors na kung saan muntik nang hindi sila makapag-closing speils dahil sa kakapigil nila sa pagtawa.
Larawan mula sa ABSCBN Entertainment |
Ang TV Patrol ay isang Philippine television newscast produced by ABS-CBN News. Una itong isina-ere noong March 2, 1987 sa dating ABS-CBN television network. Ang TV Patrol ay ang flagship national newscast sa naturang network at isa sa longest-running Filipino language evening newscast.
Ang naturang programa ay binubuo ng mga news anchor na sina Noli de Castro, Bernadette Sembrano, Henry Omaga-Diaz and Karen Davila. Dati ang mga achor sa naturang programa ay sina Julius Babao, Korina Sanchez, Ted Failon at Mel Tiangco.
Samantala sa isang viral video na kalat na kalat na ngayon sa social media ay makikitang tawang-tawa ang mga TV Patrol anchors na sina Noli, Bernadette, Karen, at Henry sa hindi malamang dahilan.
Muntikan na ngang hindi matapos ang kanilang closing speils dahil sa kakapigil nila sa pagtawa. Kaya humirit ang ilang netizens ng "pashare naman ng joke niyo"..
Narito ang video:
WATCH: Mga news anchors ng #TVPatrol na sina Karen Davila, Bernadette Sembrano, Henry Omaga-Diaz, at Kabayang Noli de...
Posted by Philippine Entertainment on Tuesday, 28 February 2023