Pen Medina emosyonal na ibinahagi ang malaking naitulong ni Coco Martin nang siya ay maospital

 

Pen Medina at Coco Martin

Emosyonal na ibinahagi ng beteranong actor na si Pen Medina ang malaking naitulong sa kanya ni Coco Martin nang siya ay maospital noon at ma-operahan. 

$ads={1}

Si Pen Medina na may tunay na pangalan na Crispin Parungao Medina Sr. ay isang actor na nagsimula sa pag-arte sa mga theater plays noong siya ay bata pa. Marami naring natanggap na acting awards si Pen. At ngayon ay magiging bahagi siya sa upcoming kapamilya series na Batang Quiapo.

Sa presscon ng Batang Quiapo kamakailan lang ay emosyonal na ikinuwento ni Pen ang naitulong ni Coco Martin sa kanyang nang siya ay ma-ospital.

$ads={2}

"Napakalaki po ng pasasalamat ko dahil yun nga po naospital ako, naoperahan. Napakatindi po ng aking [pinagdaanan]," kuwento ni Pen.

"Ayon pong pagpapaospital ko, naoperahan ako sa spine, pinakamatindi pong tumulong sa akin si Coco. Kaya po noong lumabas ako as early as August, nagpasalamat ako sa kanya. Tinext ko siya, para magpasalamat nang personal aside from my post na pang general sa lahat ng tumulong at nagdasal."dagdag pa niya 

Samantala hindi rin daw inakala ni Pen na kukunin siya ni Coco bilang parte ng Batang Quiapo. Si Pen ang gaganap nilang ama ni Lovi Poe sa naturang serye.

Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Philtabloid at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post

Contact Form