Ogie nanghihinayang sa career ni Liza :Pinaghirapan naming lahat ‘yun kung nasaan siya nandoon"

Ibinunyag ni Ogie Diaz na may panghihinayang siya sa career ng dati niyang alaga Liza Soberano.

Ogie Diaz at Liza Soberano 

Sa kanyang youtube vlog, ay napag-usapan nila ang tungkol sa career ni Liza Soberano.

Naging usap-usapan kasi kamakailan ang pagbura ni Liza ng kanyang mga larawan sa instagram. 

"Ang nakarating sa atin ay hindi naman talaga na-hack ang YouTube at IG ni Liza Soberano. Parang nilinis lang. Definitely, ‘yung pina-follow niya, nawala nang lahat pero siguro ‘yung posts naka-hide na o tinanggal na niya, hindi natin alam,” sabi ni Ogie 

Kahapon ay may bagong post si Liza sa kanyang account at ayon kay Ogie "bagong simula” ito para kay Liza. Maaari rin daw na rebranding ang nangyayari lalo na’t nasa bagong management na ang aktres. 

Si Liza kasi ay under na ngayon sa management ni James Reid na Careless Music label 

Aminado raw si Ogie na ngayon ay nanghihinayang siya sa career ni Liza.

"Nanghihinayang ako sa career ni Liza, wa echos kasi nandoon na siya. Siyempre nahu-hurt ako bilang former manager na nakakabasa ako ng ‘Ano nang ginagawa ni Liza sa sarili niya? Bakit nag-iiba na siya ng direksyon? Bakit noong nandoon pa siya sa ABS-CBN o kay Ogie Diaz maganda naman o maayos naman ang palakad sa kanya. Bakit nagiging fan na lang ng Kpop si Liza?" 

“Siyempre hindi ko naman alam ang isasagot ko sa mga fans dahil unang-una, hindi na ako ang manager. Nanghihinayang lang ako kasi pinaghirapan naming lahat ‘yun kung nasaan siya nandoon,” dagdag pa niya 

Panoorin dito:

Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Philtabloid at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post

Contact Form