Ogie Diaz pinasaringan si Willie Revillame sa kanyang post?

 

Larawan mula sa Wowowin/Ogie Diaz Youtube Channel 

Usap-usapan ngayon sa social media ang post ni Ogie Diaz na kung saan tila may pinasaringan .

$ads={1} 

Si Ogie Diaz ay isang Pilipinong comedian, host, at talent manager. Siya ay kilala sa kanyang mga pagganap sa mga teleserye at pelikula sa Pilipinas, at sa kanyang pagiging talent manager para sa ilang mga artista sa showbiz. Siya din ay isang host sa iba't ibang programa sa telebisyon at radio.  

Sa isang tweet ay nagpost si Ogie ng mensahe sa isang tao na umanoy namamalimos ng simpatya.

$ads={2} 

"Wag umiyak. Kung nung araw na kailangan ang luha ng pagdamay mo ay hindi rin naman naramdaman. Bagkus nakitawa ka pa. Kaya wag mamalimos ng simpatya. Kaya mo yan. Wala kang di kinaya"sabi ni Ogie 

Matatandaan na kamakailan lang ay naglabas ng saloobin si Willie  Revillame tungkol sa mga tao na umanoy masaya sa pagsuspende ng ilang mga programa sa ALLTV.

"Parang natutuwa pa kayo na mawawala yung mga programa na nagbibigay ng saya at tulong. Sana di ganun, di ba?" sabi ni Willie 

Basahin:Willie Revillame naglabas ng saloobin sa mga netizens na tuwang-tuwa pa raw na pansamantalang masuspende ang ilang show sa ALLTV

Pinasaringan nga kaya ni Ogie si Willie? 

Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Philtabloid at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post

Contact Form