Moira dela Torre pinakain raw ng alikabok si Toni Gonzaga sa concert nito kamakailan

 

Larawan mula sa Google

Pinakain raw ng alikabok ni Moira dela Torre si Toni Gonzaga sa concert nito kamakailan lang sa Araneta Coliseum.

$ads={1}

Si Moira dela Torre na may tunay na pangalan na Moira Rachelle Bustamante Dela Torre ay ipinanganak noong November 4, 1993. Siya ay kilalang Filipino singer-songwriter. 

Kilala si Moira dahil sa mga hugot niyang kanta. Unang nakilala si Moira sa cover  niya ng kanta ng Imago na "Sundo", Moonstar88 na "Torete", at ang Himig Handog-winning single "Titibo-Tibo".

$ads={2} 

Sa online show ni Cristy Fermin kasama si Rommel Chicka ay napag-usapan nila ang tungkol sa succesful concert ni Moira dela Torre at ikinumpara ito sa concert ni Toni Gonzaga. 

Ayon kay Fermin, pinakain raw ng alikabok si Toni ni Moira.

"Ang totoo, ang totoong-totoo ay pinakain po ng alikabok ni Moira dela Torre si Toni Gonzaga sa pagso-show niya sa Araneta Coliseum. Punong-puno, Romel, filled to the rafters ika nga," sabi ni Fermin

Ayon pa kay Fermin, mahirap daw na di ikumpara ang concert ni Moira at Toni dahil ang kay Moira ay totoo raw na sold-out.

"Dito po, hindi natin maiiwasan ang pagkukumpara dahil totoo naman po kasi na sold out po, ito ang tunay na sold out na masasabi. Hindi pinamigay, hindi pinakyaw para ipamigay, ito po ay binili ng ating mga kababayan sa kagustuhan nilang masaksihan ang concert talaga ni Moira dela Torre" sabi ni Fermin 

Samantala, ibinahagi rin ni Fermin ang pagpuna ng ilang netizens sa pagkanta ni Toni.

"Sa nakaraan niyang concert, napakaraming pumuna na mismong pinasikat na niyang kanta, ay hindi niya naawit nang maayos at sintunado siya. At si Moira, sabihin nang nakakaantok, sa ikatlong kanta palang ay matutulog ka na, mahihimbing ka na, hindi po. Ayan po o, punong punong punong po ang Araneta Coliseum,"sabi ni Fermin 

"Samantalang yung kay Toni, alam natin ang totoo. Dalawang araw na bokya, walang bumili diba? Dalawang araw yun, tas bigla na lang nagulat ang Araneta, biglang may pumapakyaw ng daan-daang ticket. Nako, magpakatotoo po tayo," dagdag pa niya 

Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Philtabloid at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post

Contact Form