Enrique Gil at Liza Soberano tinanggihan umano ang offer na Project ng ABSCBN ani Ogie Diaz

Tinanggihan umano nina Liza Soberano at Enrique ang offer ng ABSCBN ayon kay Ogie Diaz.

Liza Soberano and Enrique Gil

Sina Enrique Gil at Liza Soberano ay isang reel at real life love teams. Una silang nagkasama sa seryeng Forevermore noong 2014. Mula noon ay nagkatambal na sila sa mga pelikulang Just The Way You Are (2015), Everyday I Love You (2015), My Ex and Whys (2017), Alone/Together (2019) at sa mga television series na  Forevermore (2014) Dolce Amore (2016) Bagani (2018) at Make It with You (2020). 

Sa kanyang youtube vlog, ay ibinahagi ni Ogie na umanoy tinanggihan nina Liza Soberano at Enrique Gil ang offer na project ng ABSCBN.

Kwento pa ni Ogie sa kanyang vlog, hindi raw nagkulang ang ABSCBN para kay Liza at Enrique ngunit sila lang daw talaga ang ayaw.

 “Hindi rin naman nagkulang ang ABS-CBN sa pitching" sabi ni Ogie 

"Katulad nung Korean Telenovela. ‘Yung it’s Okay to be not Okay’ na magkakaroon ng Philippine adaptation at sila ‘yung gaganap. Maganda ‘yun di ba? Pero hindi rin nag-ano, hindi rin pinalad ang ABS-CBN na magawa ‘yun ng LizQuen kasi tumanggi sila," dagdag pa ni Ogie 

Narito ang video:

Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Philtabloid at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post

Contact Form