Aj Raval pinatunayang hindi "kabit"; naglabas ng ebindensya ng chat nila ni Kylie

Pinatunayan ni Aj Raval na umanoy hindi siya "kabit" sa relasyong Aljur Abrenica at Kylie Padilla sa pamamagitan ng paglabas niya ng ebindensya.



Si Aj Raval na may tunay na pangalan na Janina Carly Buenoso na ipinanganak noong September 30, 1995 ay isang kilalang Filipino actress, YouTube star, at social media star. 

Siya ay anak ng sikat na action star na si Jerich Raval. Kilala si Aj sa pag-appear niya sa Ang Probinsyano noong 2015 at ngayon ay isa na siya sa star ng Vivamax. 

Sa isang post, ay ipinakita ni Aj ang convo nila ni Kylie Padilla ang dating asawa ng kanyang boyfriend ngayon na si Aljur Abrenica para patunayan na okay sila ni Kylie at hindi siya kabit.

Mababasa rin sa naturang convo na nagpapasalamat si Kylie kay AJ dahil sa pag-alaga nito sa kanyang mga anak.

Narito ang kanilang convo:

AJ: Nag post na ako ng video namin ni aj, I do respect you pero gusto ko na lang din manahimik mga tao and tigil na sila sa kakahuli saamin nanawa na rin ako hehe. I hope everything is fine.

Kylie: Ok naman ikaw? It’s fine ano ka ba. Wala namang issue sakin. Di naman ikaw ang naging problema namin sa relationship namin before. Di ko rin alam paano gagawin sa sitwasyon. Pinaliwanag ko naman na sa mga tao na hindi ka 3rd party. Hay.”

AJ: Okay ako. Yes yes. Salamat sa pagpapaliwanag. Na appreciate ko yon. At humihingi rin ako ng pasensya sa sayo sa inyo sa na cause ko na gulo. Thank you sa understanding. Can I follow you?

Kylie: Magulo na kami before pa ng lahat eh. Magulo lang talaga. Bka may way para maipakita natin na ok naman na ang lahat. Mag iisip ako ng paraan. Kasi ayoko din yung nangyayari. Nag cacause ng stress of both sides na pwede naman maging ok tayo. Gusto ko mag thank you na inalagaan mo mga babies ko. it means everything na minamahal mo rin sila.

📷 fashion pulis

Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Philtabloid at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post

Contact Form