Video ng pagtatagpong muli nina Nora Aunor at Matet de Leon kinaantigan

 

Kinaantigan ng maraming netizens ang pagtatagpong muli ng mag-inang Nora Aunor at Matet de Leon.

Matatandaan kasi na kamakailan lang ay naglabas ng hinaing si Matet sa kanyang social media laban sa kanya ina matapos umano siyang kompetensyahan ng kanyang ina.

Peru base sa isang youtube video ay tila nagka-ayos na ang mag-ina.

Nagkausap na umano ang mag-ina bago mag-bagong taon nang maunang mag-chat si Nora. Sumagot naman umano si Matet at kinalaunan ay nagkaayos na sa kanilang pag-uusap sa telepono. 

Samantala sa nasabing video ay makikitang kasama ni Matet ang kanyang bunsong anak nang salubungin sila ng kanyang mommy bago sila pumasok sa bahay kung saan ginaganap ang birthday celebration ni John.

Marami namang netizens ang natutuwa sa pag-aayos ng dalawa.

"Awww naiyak ako! Thank God at nagkaayos na sila! God Bless Ms Nora And Matet and the whole family!"

"Natural talaga may mga tampuhan ang ina at anak ako Rin ganito kami ng mga anak ko pero sandali lang kagaya nila Nora at matet hindi yan talaga mawawala sa ating buhay." 

Narito ang video:

1 Comments

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post

Contact Form