Video kung saan nagshowdown sina Gladys Reyes at Juday sa pag-hula hoop viral na

 

Nagviral ngayon sa social media ang video ng Mara Clara star na sina Judy Ann Santos at Gladys Reyes na kung saan nagshowdown sila sa pag-hula hoop.

Sa nasabing video ay makikitang hindi tinantanan ni Gladys si Juday para hamunin ito sa kanyang hula hoop challenge.

Naganap ang naturang challenge ni Gladys sa birthday nang dumalo siya sa birthday party ng bunsong anak nina Juday at Ryan Agoncillo na si Luna. 

"Pwede bang sampalin mo nalang ako," pabirong sabi ni Judy Ann. Matatandaang sa hit teleserye nila noong 90's na 'Mara Clara,' ito umano ang madalas na gawin sa kanya ni Gladys. 

"Sawa na sila 'dun," natatawang sagot ni Gladys sa kanya. 

Sa huli ay kumasa naman si Juday sa naturang challenge at kinaaliwan naman ito ng maraming netizens.

Panoorin dito ang video:

Kasalukayang viral ngayon ang nasabing video na as of this writing ay umabot na sa 2.3 million views 145k reactions, 3.3k comments at 2k shares.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post

Contact Form