Pelikula nina Toni at Joey dalawa lang umano silang nanood ani source ni Fermin

 

Ibinahagi ng source ni Cristy Fermin na umanoy dalawa lang silang nanood sa pelikula nina Toni Gonzaga at Joey de Leon na "My Teacher".

Ang "My Teacher" ay isang Metro Manila Film Festival Entry na ipinalabas nitong December 25, 2022.

Ang nasabing pelikula kasi ang isa sa napag-usapan nina Fermin at kasama niya si Rommel Chicka sa kanilang show.

"Nasaksihan mismo ng dalawang mata ko. Na talagang sa dami-dami ng nakausap ko talaga, wala akong ni isang nakasalubong nanood nito," ani ni Rommel ng mag-ikot umano siya sa sinehan 

Ikinuwento din ni Fermin ang diumanoy isang source na nagtext sa kanya tungkol sa pelikula ni Toni at Joey.

"Alam mo, meron nga tayong isang CFemer na nag-text na hindi raw siya nagulat masyado sa pelikulang Deleter. Ang ikinagulat daw niya ay noong nanood daw siya ng My Teacher, dadalawa lang sila sa sinehan," kwento ni Fermin

"Ang tingnan mo ha, ilan ang subscribers niya? Ilan ang mga views ng kanyang mga vlog... milyon-milyon. Tapos hindi nag-translate sa takilya. 'Yun ang hinahanap ng ating mga kababayan "dagdag pa ni Fermin


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post

Contact Form