Paolo Contis may mensahe kay Kathryn Bernardo matapos siyang batikosin ng mga fans ng actress

 

Larawan mula sa:  Instagram Kathryn Bernardo(Left) GMA Youtube Channel(Right)

Nagbigay ng kanyang mensahe si Paolo Contis sa actress na si Kathryn Bernardo matapos siyang batikosin ng ilang fans ng actress dahil sa viral clip nito.

$ads={1}

Sinabi kasi ni Paolo sa naturang video clip na "Yung number one movie ng Star Cinema at ng ABS-CBN, taga-GMA yung artista!" 

Ang naturang movie na pinagsasamahan nina Kathryn Bernardo at Alden Richards ay "Hello Love Goodbye".

$ads={2}

Ang Hello, Love, Goodbye ay isang 2019 Philippine romantic drama film directed by Cathy Garcia-Molina at produced by Star Cinema na pinagbibidahan nina Kathryn at Alden. Una itong naipalabas dito sa Pilipinas noong July 31, 2019 at started screening internationally noong August 1, 2019. 

Ang Hello, Love, Goodbye ang itinuturing na highest-grossing Philippine movie of all time sa kasalukuyan. Ang naturang Pelikula ay pinilahan sa takilya at kumita ng PHP889.2 million.  

Sa panayam ni Boy Abunda kay Paolo ay hiningan siya ng reaksyon kaugnay sa isyu.

"Kahapon po, may nag-post sa Twitter ng isang clip taken from an interview of Pao with Alden Richards,Hindi maganda ang reaksyon, ang iba nagalit. Ang iba ay hindi natuwa lalo na ang mga fans ni Kathryn Bernardo. Pao, anong reaksyon mo dun'?” sabi ni Tito Boy kay Paolo 

"Medyo nagulat ako kasi it was taken out of context. Obviously, 'yung nag-post, para sa akin, medyo naghahanap siya nu'ng issue. And to be honest, kung ako naman din 'yung fan ni Kathryn 'yun lang maikling part 'yung napanood ko... mao-offend din ako. However, sana lang pag nakakakita sila ng ganu'n, they could watch the whole interview.” Paliwanag ni Paolo

May mensahe rin si Paolo kay Kathryn.

"Hi, Kathryn. I respect you as an actress. I know you are one of the biggest actors of ABS-CBN.” sabi ni Paolo 

Dagdag pa niya: Sana mapanood mo 'yung buong interview para ikaw mismo, makita mo na nabigyang respeto ka namin doon sa interview,”  

Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-philtabloid.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post

Contact Form